Sinabi ni Qatar-based “Rebuilding Gaza Commission” Chairman Mohammad al-Imadi na inaprubahan ng Egypt ang pagpasok ng tulong na ibinigay ng Qatar sa Gaza.
Sinabi ni Imadi na bilang bahagi ng isang proyekto, na binalak para sa muling pagtatayo ng Gaza ng gobyerno ng Palestine at tutustusan ng Qatar, ang mga materyales sa konstruksiyon ay ililipat sa Gaza sa pamamagitan ng Rafah border gate at idinagdag na ang Egyptian President Mohammed Morsi ay nag-utos ng madaling pagpasa ng mga materyales.
Sinabi niya na, ang Qatar ay nangako ng 254 milyong USD at ang halagang iyon ay gagamitin para sa pagpapatayo ng ospital na kumpleto sa gamit, 1000 bahay, kalsada at para sa mga proyektong pang-agrikultura.
Sinabi rin ni Imadi na magbibigay siya ng iba pang magandang balita sa mga Gazans sa loob ng ilang araw.
Sinabi niya na pagkatapos iutos ni Morsi ang pagpasa ng tulong sa gasolina sa Gaza, ang Qatari fuel aid na naghihintay sa daungan ng Suez mula noong Abril ay dadalhin sa Gaza sa loob ng 5 araw at ang gasolina ay gagamitin para sa paggawa ng kuryente.
Ipinahayag ni Imadi ang kahalagahan ng papel ng Turkey sa pagsisimula ng tulong sa Gaza at sinabing kinukumpleto nila ang sinimulan ng Turkey.
(Ahensiya ng Balitang Anatolia)


